PoohRO Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.


 
HomeSearchLatest imagesRegisterChatLog in

 

 Pritong Kandule Chapter 2!

Go down 
2 posters
AuthorMessage
nateriver

nateriver


Male
Number of posts : 270
Age : 33
Location : earth
Job/hobbies : laptop, rpg games, day dreaming
Humor : what?
Registration date : 2009-01-18

Pritong Kandule Chapter 2! Empty
PostSubject: Pritong Kandule Chapter 2!   Pritong Kandule Chapter 2! Icon_minitimeMon Feb 02, 2009 4:01 pm

note: sa mga nakabasa na nito ignore nyo nalang, sa mga babasa palang mag enjoi sana keo.

refer to Chapter 1


Chapter 2

Part 1
Ang Estranghero sa BS Piont

"Psst...Tirso...nakikita mo ba yung mamang yun..." ani ni Ate Guy sabay turo.

Napa-kunot noo si Tirso. "Asan? Yung BS na may tengang kuneho na hindi naman bagay sa panget niyang mukha? O yung potang Merchant na ayaw tayo limusan? Asan dun?"

"Hinde!" sabi ni Ate Guy sabay kutos kay Tirso. "Ayun o...yung mamang matangkad na pula ang buhok...mukhang nawawala e....at mukha siyang mapera...mukhang tatanga-tanga rin! Ano sa tingin mo? Di ba malapit na bertdey ni Ninong? Wala pa tayong panregalo...goyoin natin yung potang Wizard para me pambili tayo!"

Nagliwanag ang mukha ni Tirso. "Ay oo! Mabibilhan na natin si Ninong nung peyborit niyang Double Vital Falchion (dahil AGI Knight daw sya)! Tara sige, geym ako!"

Pinuntahan ng dalawa ang Wizard na mukhang nawawala sa sarili. Dahan-dahan nila itong nilapitan...na para bang stalker sila nito.

"Hindi ito maaari...nasaan na ba ako...?" Sabi ng Wizard na halatang nahihintakutan. "At bakit ganito ako magsalita? Diyos ko...ano po ba ang nangyari sa akin...?"

Umikot ang Wizard at nagulat ito ng konti kina Ate Guy at Tirso na ang mga ngiti ay nakakikilabot.

"A-ano'ng lugar ba ito?" Tanong ng Wizard. "Pakiusap...sabihin ninyo sa akin...."

Nagpalitan ng tingin sina Ate Guy at Tirso at magkasabay na inihanda ang mga kamay. Nalito lalo ang Wizard.

"Uhmm....pakiusap, ano bang lugar ito...?"

"Penge kami 10k! At pwede na rin iyang sumbrero mong mataas na may istar." Singit ni ate Guy.

"Tama! Saka akin na rin yang tungkod mong me bungo sa tuktok!" sundot ni Tirso.

Hindi nakapagsalita saglit ang Wizard. Ngunit napagtanto nito ang pakay ng dalawa. Marahan itong umiling at lumakad palayo. Nainsulto sina Ate Guy at Tirso.

"Hoy POTA ka! PBP na lang! Kuripot!"

"Bumalik ka dito, duwag! PBP! POTAAA!"

Ngunit hindi sila ininda ng Wizard. Patuloy itong naglakad...at lalong nag-aaalala. Matiyagang sinundan nina Tirso at Ate Guy ang Wizard na nangungulit pa rin.

"POTA! Palimos lang! 10k!"

"Isusumbong ka namin kay Ninong pag di mo kami binigyan! oy, ano ba!!!"

Nainis ang Wizard. Tumigil ito at hinarap ang dalawa, saka sininghalan. "MANAHIMEK KAYO SABEEEEE!"

Nagimbal sina Tirso at Ate Guy. Namutla ang mga ito sabay talilis.

"NINOOOOOONGGGG!!!! INAWAY KAMEEEEEE!@!!!"

Napailing uli ang Wizard.

Part 2
Wanted: Red-Haired Terror?

Sa isang lihim na lugar na kung tawagin ay EL YU DYEE Main office, may isang pagpupulong na nagaganap sa pagitan nina GM Praetor Kandule GM Phage at ni Big Boss Alarcon, ang head ng EL YU DYEE.

"Nagawa na namin yun sir. Naibalik na namin siya mula sa pagiging isang crusader pabalik sa pagiging swordsman."

"Kung ganun, bakit meron pa ring disruptions sa midgard? Meron pa ring lag, "

Nagkatinginan si Phage at si Praetor.

"H-hindi ko alam, sir.."

Humipak muna ng tabako si Big Boss at tsaka lumiyad ng kaunti sa kanyang pagkakaupo. Tiningnan niya sa mata si Praetor "Ng basagin ng iyong kapatid ang Gravity Simulator ay kung anu ano ng diprensiya naramdaman natin sa Midgard. Dahil sa lag e madalas nating kailanganin ang emergency maintenance sa ating power plant..."

"Alam ko ho yon, pero kung di din sa kaniya, di mata-"

"Hindi pa ko tapos. Dahil din sa ginawa niya, sa hindi maipaliwanag na dahilan e may mga nakapasok sa ating midgard na taga ibang RO"

Nabigla si Phage at si Praetor sa kanilang nadinig.

"Taga ibang RO? akala ko tsismis lang yan?" Ang bulong ni Phage habang nakatingin siya sa sahig, pilit pa ring nilulunok ang kanyang nadinig.

"Kung ganun sir, wag kayong mag alala. Hahanapin namin sila." ang determinadong turan ni Praetor.

"Hindi na kailangan."

Nagkatinginan muli si Phage at si Praetor. "Bakit-"

"Ismit.." ang biglang PM ni Big Boss sa intercom na nasa kanyang lamesa. Mula sa pinto ay pumasok ang isang lalake. naka-shades, at naka formal suit. Tumingin si Ismit kay Praetor at kay Phage. At saka ngumisi.

Biglang may nanumbalik kay Phage

[START FLASHBACK]

Lumapit ang tatlo kay Baphomet. Sinuri sila nito mula ulo hanggang paa. Kasabay ni Baphomet ay lumingon din ang nakaluhod sa harap nito na ikinagulat ni Ate Guy at Pritong Kandule. Si Goenitz, ang Super-Novice!

[END FLASHBACK]

Napatayo bigla siya at tsaka sumigaw "Hindi Ismit ang pangalan niyan!!! Siya si Goenitz ang tagasunod ni Baphomet!!!"

Nagulat si Praetor. Tumingin siya kay Ismit, at nginisian lang siya nito, hindi man lang nagpakita ng pagkagulat.

Tumayo bigla si Praetor "Big Boss, hindi maaaring-"

"TUMAHIMIK KAYO!!!" Ang malakas na sigaw ni Big Boss sabay hampas sa lamesa.

"Kung ano man ang sinasabi mo Phage, nagkakamali ka. Si Ismit ay rekomendado sa akin ng aking kapatid."

Hindi nakakibo si Phage at si Praetor. Kapwa sila umupo at hindi umimik.

"Hahaha, kailanman ay hindi ako naglingkod kay Baphomet." ang sabi ni Ismit kay Phage at kay Praetor bago siya lumapit kay Big Boss. "Yes, sir?"

Tumingin si Big Boss kila Phage at kay Praetor "Gumawa ako ng isang grupo na siyang huhuli sa mga nilalang na illegal na pumapasok sa ating midgard. Ang kanilang grupo ay tatawaging EN BI AY. Si Ismit ang mamumuno sa kanila."

Patuloy pa ring hindi kumikibo sina Praetor at Phage, pero kapwa mababanaag sa kanilang mukha ang pag aalala at di pag sang ayon sa kanilang nadinig.

"Simula ng itatag ang aming grupo ay lima na ang aming nahuhuli sa pamamagitan ng aming mga raid. Pero higit sa lahat, ang aming hinahanap ay isang swordsman/wizard-'

"Swordsman/wizard? Imposible.."Ang singhal ni Praetor.

"Kaya? Hindi ba si Pritong Kandule ay swordsman pero may mataas na INT?" Ang paismid na tanong ni Ismit kay Praetor na hindi nakakibo. "O baka naman may itinatago kayong magkapatid?"Ang pakutya nitong tanong kay Praetor.

Biglang tumayo sa kinauupuan si Praetor at tinagkang dakmain si Ismit sa leeg bago siya napigilan ni Phage.

"PRAETOR!!" Ang galit na saway ni Big Boss.

"Kahit kailan ay hindi ako tumalikod sa paglilingkod ko sa EL YU DYEE."Ang galit na sabi ni Praetor bago siya bumalik sa kanyang kinauupuan.

Ngumisi lang muli si Ismit. "Kaya siya ang dapat nating makilala ay ay dahil siya ang pinakadelikado sa lahat ng pumasok sa Midgard. Malakas ang kanyang kapangyarihan, at wala pang makakatapat sa kanya dito sa atin." Ang seryoso niyang pagtatapos.

"Paano siya makikilala? May kahit anong palatandaan ba sa kanya?"Ang tanong ni Phage na halata pa ring nag aalanganin.

"Isa lang bagay ang alam namin tungkol sa kanya... pula ang kanyang buhok"

Nagkatinginan muli si Phage at si Praetor. Pakiramdam nila ay si Pritong Kandule pa rin ang tinutukoy ni Ismit bagamat hindi niya ito dinederetso.

"Maaari bang kami ang maghanap sa kanya?" Ang biglang tanong ni Praetor kay Big Boss.

"Di na kailangan" ang biglang putol ni Ismit. "Inutusan ko na ang aking team leader na hanapin ang lahat ng may pulang buhok..... at nagpapakita ng skills ng isang swordsman at may mataas na INT." Ang kanyang sabi bago ngumisi.

"Maaari bang malaman kung sino ang team leader mo?" Ang nag aalalang tanong ni Praetor.

"Mapagkakatiwalaan siya. Siya ang kapatid ni Big Boss Alarcon. Si Jestoni..." Ang nakngiting sabi ni Ismit.

Napanganga si Phage at si Praetor. Tumingin sila kay Big Boss, na nakangisi lang sa kanila, habang nag-iinat at nakasalo ang dalawang kamay sa batok.

"May dapat pa nga pala kaming gawin.. Aaalis na kami..."

Sabay natumayo si Phage at si Praetor at nagpaalam na. Ng palabas na sila sa pinto ay nakita ni Phage sa sulok ng kanyang mga mata na nakangisi sa kaniya si Ismit.

Samantala....

Sa pub sa prontera nakaupo si Pritong Kandule sa bar. Umiinom ng Alchol, at tila ba paluha na.

"Ano ba talaga nangyari?" Ang tanong ni Tiyo Paeng kay Pritong Kandule.

Ganito kasi yun...

[START FLASHBACK]

"Alam ko Priti, pero hindi ganun kasimple yun. Dapat maging magkaibigan muna tayo" Ang turan ni Phage na parang nakukulitan na.

"Naiintindihan ko binibini. Kung ganun, sana'y tangapin mo ang aking regalo sa yo." Ang nakangiting sabi niya sabay abot ng kanyang regalo kay Phage.

Tinangap ni Phage ang regalo, at excited na binuksan ito. Nagulat na lang siya ng pagbukay niya ay PANTY ang kanyang nakuha. Sinampal niya bigla si Pritong Kandule.

SPLAK!!!!!

"AMP!!! BAKET? ANG SAKET NUN A?" Ang sagot ni Pritong Kandule habang hihimas himas sa pisngi niya.

"E bastos ka e..." Ang sagot ni Phage sabay taas ng panty sa mukha nito.

"Ha?" ang kakamot kamot na reaksiyon ni Priti. "May ibig sabihin yan!"

Napataas ang kilay ni Phage at saka nagtanong "Ano?"

Hinawakan muna ni Priti ang mga kamay ni Phage at tsaka ubod tamis na binigkas "Pretty and Nice, Truly You"

Napasapo sa ulo si Phage "Hay naku Priti... Alam mo, tsaka na lang natin pag usapan yan." Ang sabi ni Phage sabay talikod at alis.

[END FLASHBACK]

"NYAHAHAHAHAHA!!!! Priti, hindi ka pa kasi marunong dumiskarte e..."

"Eh ikaw nagturo sa kin nun e..." Ang balik ni Pritong Kandule sa kanyang tiyuhin.

Nagulat sila ng biglang pumasok si Tirso at Ate Guy sa pub, humahangos.

"NINONG!!!"

Lumingon si Priti at si Tiyo Paeng.

"AMP!!! MERONG MAYABANG NA WIZARD DUN!!AKALA MO KUNG SINO!!! AT AYAW MAGBIGAY NG ZENY O KAHIT ITEM!!!"

Dahil sa kalasingan, di na nagtanong si Pritong Kandule. Tumayo na at tsaka sinabing "NYAHAHAHA!!! AMP!! POTANG WIZ YUN A!! MAGWAWALIS NA NAMAN NG BANGKAY SA PRONTERA!!!"

"AHEHEHE!!! AYOS NINONG!!! E kayo Tiyo Paeng?" Ang tanong ni Tirso.

"Tsk, dito muna ko, may pinaguusapan kami ng Kafra e." Ang sagot ni Tiyo Paeng sabay tingin sa Kafra.

"Ano, kala ko ba lahat ng serbisyo ginagawa niyo?" Ang tanong nito sa Kafra habang papalabas naman sila Pritong Kandule.

Pagkalabas nila sa pub, may naulinigan silang parang malakas na sampal sa loob.

Sa BS PIONT, patuloy pa ring naglalakad si Nerva. Hanggang ngayon ay di pa rin niya masisp kung pano siya napunta sa kakaibang mundo na ito.

"Ah.. nasaan ba ako?" Ang kanyang inosenteng tanong sa isang tindera.

"Hellow? Nasan ka kaya? E di sa Prontera!! Wizard na eng eng pa." ang mataray na sagot ng tindera ng potions.

Lumayo agad si Nerva. Tumingin siya sa paligid niya at sari-saring tao ang nakikita niya. Ang iba ay naglalakad at ang iba ay nakaupo lang, at may nakapatong na kartolina sa ulo na may mga kung anu ano na nakasulat.

Bakit kaya nila ginagawa iyon? Kailangan makabalik ako sa mundo ko. Siguro dapat kung hanapin si Pritong Kandule, ang crusader. Kanina ko pa nadidinig ang pangalan niya. Mukhang maginoo siya at mabait para tanghaling bayani sa mundong ito.

Patuloy na naglakad si Nerva sa BS PIONT at nagulat na lang siya ng mula sa kanyang likod ay may nadinig siya.

"AMP!! HAYUN NINONG!!!"

Lumingon siya at nakita niya ang dalawang manloloko na nakita niya kanina.

Agad na lumapit si Ate Guy sa kanya at hinawakan siya sa braso. "NINONG ETO O!! MAYABANG TO E!!"

"AMP!!! NYAHAHAHA!!! PAYATOT!! AMP!!" Ang unang reaksiyon ni Pritong Kandule.

Naningkit ang mga mata ni Nerva. Agad niyang binawi ang braso niya kay Ate Guy at tiningnan ito ng masama.

Takbo agad si Ate Guy sa likod ni Pritong Kandule na nahugot na ang kanyang DOUBLE VITAL FALCHION (kasi agi knight daw siya).

"POTA KA A!!! HOY PBP NA LANG!! PAQ!!" Ang sigaw ni Priong Kandule.

Nakatingin si Nerva sa sandata ni Pritong Kandule. Napapaling ang ulo sa kaliwa. "Lalabanan mo ko gamit ang sandatang iyan?" Ang seryosong tanong nito.

"AMP!!! BOBO YATA YAN NINONG E!!!" Ang galit na sigaw ni Tirso.

"HINDI MO BA NAKIKITA MAY CARD YAN? DALAWA PA? BOBO AMP!!!" Ang sigaw naman ni Ate Guy.

"NYAHAHAHA!!!! ANO NAGINGINIG KA NA SA TAKOT? BOBO AMP!!! POTAAA!!!" Ang sigaw pa ni Pritong Kandule.

Hindi kaagad sumagot si Nerva. Maya maya ay bigla itong tumawa.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!! kung talagang mapilit kayo, sige." Ang biglang seryosong sabi nito, matapos ang makapanindig na balahibong halakhak.

Nagulat na lang bigla ang apat ng mula sa likod ay biglang may sumigaw.

"WAG KAYONG KIKILOS!!! EN BI AY TO!!!"

Lumingon bigla si Pritong Kandule at nabigla sila sa kanilang nakita.

Samantala napabulong lang si Nerva sa sarili "EN BI AY?"

"Pritong Kandule, akala mo ay tapos na tayo?"

"AMP!!! Sino ka?" Ang nalilitong tanong ni Ninong.

Nagalit bigla si Jestoni "S-SINO AKO? SINO AKO?"

"Eh ninong, sino nga ba yan?" Ang nagtatakang tanong din ni Tirso.

Napapikit sa galit si Jestoni. "AKO SI JESTONI ANG ASSASSIN OF DOOM!!!" Ang galit na galit sabi ni Jestoni.

Hindi pa rin kumikibo sila Pritong Kandule. Lumingon si Pritong Kandule kay Nerva. "Oy, kilala mo ba ang mga ito?"

Hindi sumagot si Nerva at umiling lang ito.

"At may kasama pa pala kayong bago ha!!! Kung hindi mo kami nakikilala, magpapakilala ulit kami."

Umatras si Jestoni ng dalawang hakbang at tumalikod. sa sandaling iyon, mayrong isang mage at isang merchant ang tumabi sa assassin sa magkabilang tabi at may isa pang sumingit, isang maitim na archer.

Bigla na lang humarap ang assassin na nakataas ang kanang kamao at ang isa ay nasa baywang. "AKO SI................JESTONI!!!!!!! THE ASSASSIN OF DOOM!!!!!!!!" sigaw ni jestoni.

Pagkasigaw ni jestoni humarap din ang wizard na kagaya ng pose ni jestoni. "AKO NAMAN SI...... FRED!!!!!!!! THE DEADLY MAGICIAN!!!!!!"

Sumunod naman ang merchant"AT AKO NAMAN SI LOTLOT!!!!!!!!!! THE MERCHANT FROM HELL!!!!!!!!!!" At sumngit ulit sa gitna ang maitim na archer "AT AKO SI MONCHING!!!!! THE SHADOW ARCHER!!!!"

"WE ARE ...... THE ANGELS OF WRATH!!! EHHHNN BIIIHHH AAAHHHYY!!!!!!!!!!"
Back to top Go down
murkloar

murkloar


Male
Number of posts : 319
Age : 34
Location : The Wastelands
Job/hobbies : Captain Obvious/They see me rollin', they hatin'...
Humor : Hurrrrrr, durrrrrr.....
Registration date : 2009-01-18

Pritong Kandule Chapter 2! Empty
PostSubject: Re: Pritong Kandule Chapter 2!   Pritong Kandule Chapter 2! Icon_minitimeMon Feb 02, 2009 4:51 pm

Wow! Chapter 2! Can't wait for what happens next!

lol! Monching lol!
Back to top Go down
http://justfuckinggoogleit.com/
nateriver

nateriver


Male
Number of posts : 270
Age : 33
Location : earth
Job/hobbies : laptop, rpg games, day dreaming
Humor : what?
Registration date : 2009-01-18

Pritong Kandule Chapter 2! Empty
PostSubject: Re: Pritong Kandule Chapter 2!   Pritong Kandule Chapter 2! Icon_minitimeWed Feb 04, 2009 10:51 pm

Part 3
Da Kombo

"AMP!!!" sigaw ni Pritong Kandule. "ANO'NG EN BI AY?!?! ISTORBO LANG KAYO E! PAQ!!! PBP NA LANG! MAGSAMA PA KAYO!"

Pagkasabi nito, hinugot ni Ate Guy ang kanyang QUADRUPLE MALICIOUS BOW (na may piktyur ni Maui, Katya, Aubrey at Francine) at si Tirso naman ay inilabas ang kanyang NOTBUK ( na may piktyur ni Juday).

"HAHAHAHAHA!!!" halakhak ni Jestoni. "Hindi mo na kami matatalo, ngayon, Pritong Kandule! Nasa amin na ang kapangyarihan! Pagbabayaran mo'ng lahat ang ginawa mong panghihiya samen!"

Biglang sumingit si Lotlot. "TAMA SIYA! MAGBABAYAD KAYO! NYAHAHAHA!"

Dito lumapit si Nerva. "Teka lang. May nireresolbahan pa kami nitong mga bata. Pwede ba'ng 'wag kang makialam?" sabi niya kina Jestoni.

"AMP!!! ANO'NG BATA?!" Sigaw ni Ate Guy sabay kutos kay Nerva. "PAQ!!! HINDI KAMI NOBIS!"

"ANAK KA NG TINAPA! TUMABI KA KUNG AYAW MONG MAPATAY KITA NG WALA SA ORAS!" dumadagundong na sigaw ni Nerva kay Ate Guy habang hawak ang bukol niya.

Tumakbo si Ate Guy sa likod ni Pritong Kandule. Si Tirso naman ay lalong sumama ang tingin kay Nerva.

"Bossing, may naisip ako!" bulong ni Monching kay Jestoni. "Tignan mo sila-----"

At binulong nga ni Monching ang naisip kay Jestoni, na nagliwanang ang mukha.

Dahil abala pa rin sa pagbabangayan sina Pritong Kandule, Ate Guy, Tirso at Nerva, hindi nila kaagad napansin ang galaw nila Jestoni. Pumuwesto sina Monching at Fred upang tirahin sina Ninong ng hindi nila nalalalaman. Ngumisi si Jestoni.

"Sige...magsinghalan pa kayo!" bulong nito. "Huwehehehehehehehe!"

"PAQ KA! PBP NA LANG!"

"ANAK NG------KAYO'NG NAGSIMULA AH?!?"

"BOBO AMP!!!! PBP!"

"POTAAAA!!!"

Hinanda ni Monching ang kanyang KOMPOWSIT BOW (na pamana pa ng kanyang lolo sa tuhod) at si Fred naman ang kanyang mga kamay para sa isang kagila-gilalas na SOOOWWLLL STRIIIIKKKEEE.

"Hehehehe...humanda kayo ngayon!" bulong ni Monching.

"Haha! Oo nga!" sundot ni Fred.

"TIRAAAA!!!" sigaw ni Jestoni.

"DOWBOOOOOOOOOLLLLLLLLLLL STUUUUUUUURRRREEEEEEEEEYYYYYYYYFFFFFF!"

"SSSSOOOOOOOOOOOOOOWWWWWWWWWLLLLLLLLL STRRRRIIIKKKEEEEEE!"

Naramdaman ni Nerva ang mga papalapit na arrows at bola ng liwanag. Mabilis siyang lumingon. Si Pritong Kandule na naghahamon pa rin ay wala halos nahalata. Nasa direktang daanan siya ng Dobol Stureyf ni Monching.

[START SLOWMO]

"ILAAAAAAG!" Sigaw ni Nerva sabay tapon sa kanyang Bone Wand at talon kay Pritong Kandule.

"AMP!!!!! ANO'NG---!?!" turan ni Pritong Kandule.

Mabilis siyang nahawan ni Nerva sa baywang at itinulak siya palayo. Salubsob si Ninong sa karitela ng isang naka AFK na BS.

Ang mga arrows ni Monching ay tumama sa lupa sa halip na katawan ni Pritong Kandule.

[END SLOWMO]

"AMP!!! MGA DUWAG, PAQ!!!" Galit na galit na turan ni Pritong Kandule sabay harap kina Jestoni. "MGA POTAAA KAYO A!"

Pero hindi pa tapos. Nariyan na ang mga bola ng liwanag ni Fred.

Mabilis na tinawag ni Nerva ang kanyang Bone Wand. Lumipad ito sa kanyang naghihintay na kamay. Mabilis ang mga pangyayari.

"SEYPTI WOL!" wika ni Nerva, at isang barrier ang sumalag sa mga bola ni Fred.

"MGA TRAYDOR AMP!!!" Sigaw ni Tirso sabay bilot ng kanyang NOTBUK (na may piktyur ni Juday).

Si Tirso naman ang sumugod patungo kay Fred.

"LLLEEEEEEEEEEEEEEEEXXXXXXXXXXX DIVVVVVIIIIIIIINNNNNNNNAAAAAAAAAA!!"

Ubod lakas na tinampal ni Tirso sa bibig si Fred. Napaatras ito na hawak ang dumudugo niyang nguso.

"AMP!!! LOTLOT! KUMILOS KA!" hiyaw ni Jestoni sabay lingon sa Merchant. "LOTLOT?!? ANO'NG GINAGAWA MO DYANNN!!!"

Si Lotlot pala ay nakaupo na at may kartolina sa ulo. S> SPORE CARD 50K RUSH!!! ang nakasulat sa ulo nito.

"B-bossing, wala akong zeny ulet!" sabi ni Lotlot. "TAYMPERS muna ako! OY PLEASE, BILHIN NIYO NA 'TO!!!"

"WALA KA PARING KUWENTA LOTLOT!!!" Galit na sigaw ni Jestoni.

Kinuha ni Ate Guy ang pagkakataon. Hinugot niya ang kanyang PICKY (with eggshell) at buong lakas itong tinapon kay Monching.

"BBBBBBLLLIIIIIITTTTTTZZZZ BBBEEEEEEEEAAAAAAAAATTTTTTTTTT!!!"

Pumailanlang pataas ang PICKY (with eggshell). Pagkababa nito sa lupa ay tumakbo ito kay Monching at pinagtututuka ito sa paa.

"ARAY! ARAGUY! AREKU!" sigaw ni Monching.

"MGA WALANGHIYA KAYO!" ngitngit na sabi ni Pritong Kandule na nakatayo na mula sa pagkakalagapak sa karitela nung BS. "AMP!!!! PBP! POTAAA KAYOOO!"

Agad na inatake ni Pritong Kandule si Lotlot gamit ang kanyang DOUBLE VITAL FALCHION (kasi AGI Knight daw siya).

"ARAY! TEKA! TAYMPERS AKO SABEEE!" hiyaw ni Lotlot. "ARAYY!!"

"AMP! WALANG TAYMPERS-TAYMPERS SAKEN! POTAAA KA!!! POTAAAAAA!" ngitngit pa rin ni Ninong.

"Ang ayoko sa lahat ng uri ng tao ay yaong mga traydor...." bulong ni Nerva. Kanina pa kumukulo ang dugo niya sa galit at inis. "Kayo....mga traydor kayo.....kung kailan nakatalikod ang kalaban saka lang kayo magkakaroon ng lakas ng loob para lumaban! MGA WALANGHIYA KAYOOOO!"

Biglang nagdilim ang langit sa Prontera. Marami sa mga tao ang dagliang tumakbo paalis. Napalingon sina Ninong at Jestoni kay Nerva, na ngayon ay nagliliwanag.

"Ayoko sa mga traydor....." turan ni Nerva na naginginig. "Ayoko sa kanila....ayoko....ayoko....AYOKO SA MGA TRAYDORRRR!!!"

Lumitaw ang isang higanteng puting bilog sa ilalim nina Jestoni at Ninong. Alam ni Tirso kung ano iyon.

"Ninong! UMALIS TAYO DITO, DALII!" sabi niya.

Mabilis na sumunod si Ninong. Dinampot muna ni Ate Guy ang kanyang PICKY (with eggshell) bago tumalon palabas ng bilog. Si Tirso ay nagmadali ding umalis doon. Subalit hindi makaalis sa bilog sina Jestoni.

"FRED! GAWAN MO NG PARAAN ITO!" sigaw ni Jestoni habang pinipilit na igalaw ang kanyang nangamanhid na mga binti. "FREDDD!"

Ngunit hindi makagawa ng kahit anong galaw si Fred dahil sa lakas ng tampal ni Tirso sa kanya.

Lalong dumilim ang langit. Itinuro ni Nerva ang Bone Wand kina Jestoni.

"LORD OF VERMILION!!!!!"
Back to top Go down
nateriver

nateriver


Male
Number of posts : 270
Age : 33
Location : earth
Job/hobbies : laptop, rpg games, day dreaming
Humor : what?
Registration date : 2009-01-18

Pritong Kandule Chapter 2! Empty
PostSubject: Re: Pritong Kandule Chapter 2!   Pritong Kandule Chapter 2! Icon_minitimeWed Feb 04, 2009 10:51 pm

Part 4
Disappointment

"PRAETOR! PRAETOR, HALIKA DALII!" biglang sigaw ni GM ELros sa loob ng lihim na kuta ng mga GM. "PRAETOOORRRR!!!"

Napalingon sa kanya ang iba pang GM na kani-kanina lamang ay busy sa kani-kanilang mga computers. Mababanaag sa kanilang mga mukha ang pagtatataka. Si ELros naman ay hindi maipinta ang mukha sa nadarama nitong takot at bigla.

Rumaragasang pumunta si Praetor sa tabi ni ELros. Nakita niya sa monitor ang isang signal na kulay pula, kurap ng kurap na para bang naiirita.

"Ano iyan?!?" agad na tanong ni Praetor. Maya-maya pa ay lahat ng GM ang pumaligid sa kanila. "Ano iyan, ELros?!"

"H-hindi ko alam! Napakalakas na kapangyarihan, nagmula sa Prontera! B-baka ito na yung pinapahanap ni Big Boss Alarcon sa atin!!!"

Biglang nagliwanag ang mukha ni Praetor. Agad siyang tumayo at pasigaw na nag-utos.

"KAYONG LAHAT! ITUON ANG LAHAT NG TRACKING AT SURVEILLANCE SYSTEM NATIN SA SIGNAL NA NAKUHA NI ELROS! MADALI! HINDI NATIN PAPAYAGANG KUNIN NG EN BI AY NA IYAN ANG TRABAHO NATEN!"

May ingay na lumukob sa lihim na kuta. Nagkagulo ang iba pang GM na kaagad bumalik sa harap ng kanilang mga monitor. Ibinalik ni Praetor ang atensyon kay ELros, na hindi pa rin mapakali at halos mala-buhawing lumilipad ang mga kamay sa keyboard.

"Dalian mo, ELros! Kailangang makita natin kung sino yan!" kinakabahang turan ni Praetor.

"OO---oo, t-teka...." nalilitong wika ni ELros.

"PRAETOR! ETO NA! MAKUKUHA KO NA ANG MUKHA NIYA!!!" Biglang sigaw ni GM Panjandrum.

"KUNG GAYON DALIAN NINYO!" hiyaw ni Praetor.

"AYAN NA!"

"DALI!"

"HA! POTA KAYO EN BI AY! DI NIYO KAMI MAUUNAHAN!"

"DALIII!"

Ngunit bigla na lang nabalot ng dilim ang buong kuta ng mga GM. Namatay lahat ng computer. Sabay-sabay silang sumigaw.

"LAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAGGGGGGGGGGGGGGG!!!"

Samantala...

"Haaah...haaah...."

Humihingal na ibinaba ni Nerva ang kanyang Bone Wand. Ang kanyang mga naningkit na mata ay nakatuon pa rin sa mga walang buhay na katawan nina Jestoni, Fred, Monching at Lotlot. Walang ingay na maririnig sa Prontera. Lahat ay tahimik, maging sina Pritong Kandule. Marahang-marahang lumiwanag muli; nawala ang mga nangangalit at makakapal na itim na ulap.

"AMP..." mahinang bulong ni Pritong Kandule na nanlalaki ang mga mata sa nakita.

Pumikit si Nerva at tumingala saglit. Nawala ang mga katawan nina Jestoni. Umiling si Nerva at humarap kina Pritong Kandule, na napaatras ng isang hakbang.

"Wag....wag kayong matakot....nadala lang ako ng damdamin ko..." paliwanag ni Nerva. "Hindi ko...sinasadya..."

"N-ninong..." mahinag turan ni Ate Guy. "M-malakas siya....amp..."

"Kailangan ko ng tulong, pakiusap..." marahang wika ni Nerva habang dahan-dahang lumapit kina Ninong.

Umiling si Pritong Kandule habang umatras muli. "Amp..."

"Kailangan kong makita si Pritong Kandule." seryosong wika ni Nerva. "Siya lang ang makakapagbalik sa akin..."

Nagliwanag ang mukha ni Tirso. "AMP!!! Eto si Pritong Kandule sa harap mo!" sabi niya sabay turo kay Ninong.

Natigilan si Nerva. Kumurap.

"P-pero...di ba....Crusader siya?"

"AMP! DATI YON!" Galit na sigaw ni Pritong Kandule. "NI ROLL BACK AKO NG POTANG EL YU DYEE NA YUN KAYA BALIK SWORDIE AKO! POTAAAAAA!!!"

"P-pero..." wika ni Nerva na unti-unting nababasag ang boses. Hinawakan niya sa balikat si Ninong. "C-crusader ka diba? Mababalik mo ko, diba? Matutulungan mo ko, diba? Diba??? Diba???"
"AMP!!! SWORDIE NGA AKO ULET E! BOBO, AMP!!!"
"Hiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiingggggggggg....."

Biglang nahimatay si Nerva. Nagkatinginan sina Ate Guy, Ninong at Tirso.

"Hala Ninong....napatay mo yata...."

"AMP!!! HINDI AH!!!"
Back to top Go down
Sponsored content





Pritong Kandule Chapter 2! Empty
PostSubject: Re: Pritong Kandule Chapter 2!   Pritong Kandule Chapter 2! Icon_minitime

Back to top Go down
 
Pritong Kandule Chapter 2!
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Pritong kandule Chapter 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
PoohRO Forum :: General & Off Topic :: Spam Zone-
Jump to: